Sa makabuluhang episode na ito na inilabas ng “The Sun Podcast,” tinalakay ni Administrator Gerardo Panga Sirios ng Pangasiwaan sa Patalaan ng Lupain o Land Registration Authority (LRA) ang mga mahahalagang aspeto ng pagpapatitulo ng lupa sa Pilipinas.

Ang episode na ito ay mapagkukunan ng mahahalagang impormasyon upang maunawaan ang mga detalye ng pag-aari ng lupa at para na rin makatiyak ang mga manonood na ang kanilang transaksyong panglupain ay wasto at ligtas mula sa anumang legal na isyu.

Ibinahagi rin ni Administrator Sirios dito ang mga programa at inisyatibo ng LRA na aktibong sinusuportahan at isinusulong ng Kagawaran ng Katarungan o Department of Justice (DOJ), alinsunod sa direktiba ng Pangulo na isulong ang ganap na digitalisasyon ng mga proseso at serbisyo ng pamahalaan.

Kung ikaw man ay baguhan sa pagbili ng lupa o may-ari ng titulo na nais palalimin ang kaalaman sa proseso, ang episode na ito ay makakapulutan ng mga impormasyon na tiyak na makakatulong para mas maunawaan pa ang usaping rehistrasyon ng lupa nang may kumpiyansa.