Ang Pangasiwaan sa Patalaan ng Lupain ay kaisa ng bayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2021 na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”

Lubos na kinikilala ng Pangasiwaan ang mga programa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang maipalaganap sa higit na nakararaming mamamayan ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino.

Ang pagdiriwang ay alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Bilang 1041, taong 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambasa tuwing Agosto 1-31.